Pages

Subscribe:

Ads 468x60px

Thursday, July 28

Sa 'yo Bulan: Isang Hiling at mga Luha


Nawindang ako kay DeeBee sa post nya... Bilang emo-emohan ang lolo, akala ko may pinagdadaanan na naman siya... Tapos ayun... Lumahok pala siya sa isang patimpalak. Ako naman si inggitero, naisipan ko ring sumali... Salamat iya_khin sa magandang ideya... Narito ang aking piyesa para sa iyong patimpalak...

***




Ako’y nilamon ng mapanglaw na gabi,
Habang ikaw, O Bulan, ay nakamasid
Pagpaumanhinan mo, patawarin, sa labis na paghikbi
Sa likod ng mga bintanang binuksan sa pagkakapinid
Sa kadiliman ng gabi, ang iyong ngiti ay namasdan
Itinago man ng mga ulap, hinayaan mong kuminang
Sa Iyo, Diyosa ng Buwan, muling iiyak ang puso
At ibubuhos ang damdaming pilit kinikimkim, itinatago

Sa aking pag-iisa, ramdam sa twina’y kalungkutan
Nasaan na siya, ang aking irog? Hindi ba siya daratal?
Sino ba ang itinadhana? Sino’ng mamahalin magpakailanman?
Tila di na kayang hintayin pa ng pusong nalulungkot at napapagal.

Mga pagniniig na walang saysay, na hindi sa kaniyang piling
Ay nais ko nang matigil at lagyan ng hangganan
Pakinggan mo, O Bulan, at dinggin aking hiling
Hayaan mong ako’y suklubin na ng walang hanggang karimlan.

Hindi na nanaising mabuhay pa,
Ang pagsamo ko’y iyong gawing ganap
Aking sawing buhay, wakasan mo, O Bulan,
Ako’y palayain sa aking paghihirap…

18 comments:

iya_khin said...

salamat sa pagsali! ang nice naman ng iyong tula....ramdam ang kalungkutan..gayong may kapiling na iba hindi pa rin masaya kung hindi siya....hmmmm...

Nate said...

@iya: thank you for your kind words! na-challenge ako sa contest mo.. ayun.. hahaha! actually i was sooo pumped up, yung ginawa ko mga 9 stanzas na ata.. tapos binalikan ko ang mechanics.. ayun.. max 4 lang pala.. hahaha! :P

anyway, salamat at mukhang na-appreciate mo naman ang aking piyesa para sa contest mo.. :)

^travis said...

mga emo! these days are gloomy na nga as it is. lols. ano ang premio?

Nate said...

@travis: mismo!! hahaha! part sya ng criteria for judging.. dapat emo ang tula.. --- "mga emo!" click iya's link to view the info.. sali ka rin!! :)

^travis said...

hayss..tulang palaka lang ang alam ko :)

Anonymous said...

Like!!! Pwede na tayo mag-publish ng Bloggers Literary Folio.

-Désolé Boy

Nate said...

@travis: that's ok.. i mean, you still have until aug 17.. try composing something.. no pressure.. there's no harm in trying.. i was just psyched, kaya nakapag-compose ako agad.. kaya mo yan!! i'll cheer you on!! *cartwheels, then split*

@deebee: aww.. thanks sa pag-like! natuwa naman ako.. actually, i love your poem.. gusto kong matuto ng ganung style ng poetry writing.. oh, dali simulan na yang Bloggers' Literary Folio!! GO!! :)

Mugen said...

Naks, isa ka palang makata! Heheh.

Nate said...

@mugen: hi kuya joms! *nakiki-kuya* nyak! hehehe! makata ng slight lang..

J. Kulisap said...

Inulit kong basahin, hinahanap ko yong rason nong nagsusumamo kung bakit nais na niyang mamaalam.

Pagkainip pala sa paghihintay.

Nate said...

@J.Kulisap: hindi lang dahil sa pagkainip, kundi dahil sa pag-iisa..

pansinin na maaari namang nyang kausapin ang mga kaibigan, mga kaanak.. ngunit sa pagkakataong ito ninais nyang kausapin ang Buwan.. ang Buwan na tanging karamay nya, ngayong gabing nag-iisa.. at nakaramdam sya ng labis na pag-iisa.. at pangungulila..

na pilit nyang pinagtatakpan sa pamamagitan ng mga taong nakaniig na nya.. maaaring mayroon syang kinakasama sa kasalukuyan, ngunit hindi nya ito tunay na mahal.. nais nya lamang may kasama, may katabi, at may karamay sa pangangailangang pisikal..

maaari rin na sa pagkakataong ito'y isa sa mga pinakamatinding hagupit na dulot ng depresyon.. at alam nating lahat ang epekto nito.. maaaring unti-unti na syang syang nilalamon ng sakit..

it's too painful..

kaya ninanais na nyang magwakas na ang lahat...

Nate said...

@J. Kulisap: sinadya kong hindi lantarang ihayag ang nilalaman ng tula upang mapanitili ang misteryo nito.. ngunit tila nais mong maliwangan.. so yun.. inexplain ko na..

but, the poem is what the reader makes of it.. maaaring maging iba't iba ang pananaw na mga mambabasa..

salamat nga pala sa pagdalaw sa aking blog, taking time to read my post, at sa paglagay ng comment! na-aappreciate ko yun.. sobra.. you seem like an intelligent reader..

--- "hinahanap ko yong rason nong nagsusumamo kung bakit nais na niyang mamaalam."

zeke said...

Ang galing din, Nate. Dama ko. grabe, while i'm looking at my work, it seems like, its the worst out there. lol

Nate said...

@joe: aww.. thanks!! i appreciate it!! well, sana maging finalist man lang ang aking tula..

oh, and wag mong maliitin ang poem mo.. poems are powerful.. you'll never know, baka may mga readers kang napukaw ang damdamin dahil sa iyong tula.. :)

zeke said...

Haha. Napukaw tlaga. Parang rebolusyon lang. Haha

Nate said...

@joe: hahahaha! :P

Anonymous said...

may mga pagkakataon talaga na walang maaaring makaunawa sa ating pag-iisa at paghihintay kundi ang gabi at ang buwan.

Nate said...

@duking: salamat sa comment!! totoo, atleast there's someone (although inanimate) to talk to.. hahaha! ang nakakatakot lang, pag sumagot ang buwan.. lolz! hahahah! :P

Post a Comment

Popular Posts